Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ngayong Hunyo

by Radyo La Verdad | June 8, 2018 (Friday) | 7929

13 sentimo kada kilowatt hour ang mababawas sa bill ng mga costumer ng Meralco ngayong Hunyo.

Ibig sabihin, 26 piso ang mababawas sa bill ng isang sambahayang kumokonsumo ng 200kw kada buwan habang 65 pesos naman ang matitipid ng kumokonsumo ng 500kw kada buwan.

Subalit ayon sa Meralco, posible namang tumaas ang singil sa kuryente sa Hulyo dahil sa epekto ng sunod-sunod na yellow alert noong nakaraang linggo.

Pero bagaman bumaba ang singil ng Meralco, may dagdag naman na pitong sentimo na singil dahil sa feed in tariff o fit.

Ang fit ay ang tax na binabayaran ng mga consumer kapalit ng pagtatayo ng mga renewable energy sa bansa gaya ng solar at wind energy.

Ang feed in tariff ay nakasaad sa batas at epektibo sa loob ng dalawampung taon, sa ngayon ay nasa ikaapat na taon pa lang tayo sa implementasyon ng dagdag bayarin na ito.

Ayon sa Laban Konsyumer group, hindi makatwiran ang dagdag singil sa fit na inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Isang mosyon ang inihan ng laban konsyumer sa ERC na kumukwestyon sa dagdag-singil.

Kung hindi maaaksyunan, planong iakyat ng Laban Konsyumer ang kanilang mosyon sa Korte Suprema upang ma-irefund ang umano’y sobrang singil ng Meralco.

 

Tags: , ,

P1.96/kwh bawas-presyo sa Meralco, ipatutupad ngayong Hunyo; naunang dagdag-singil binawi

by Radyo La Verdad | June 17, 2024 (Monday) | 39304

METRO MANILA – Binawi ng Meralco ang nauna nitong anunsyo na nasa P0.64 kada kilowatt-hour na dagdag-singil sa kuryente ngayong Hunyo.

Sa official statement ng Meralco ay inihayag nito na magpapatupad ang power distributor ng P1.96 o halos P2 kada kilowatt-hour na bawas-presyo, ngayong buwan.

Katumbas ito ng P392 na kabawasan sa bill ng kuryente para sa mga typical residential customer ng Meralco na kumukonsumo ng 200-kilowatt hour.

P589 naman ang mababawas kung 300-kilowatt hour ang konsumo, P785 sa 400-kilowatt hour, habang P981 naman sa 500-kilowatt hour consumption.

Ayon sa Meralco, bunsod ito ng pagapatupad ng utay-utay na singil sa generation costs mula sa wholesale electricity spot market (WESM).

Alinsunod ito sa kakalabas lang na utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa lahat ng power distributors na gawing staggered collection sa WESM purchases kabilang na ang supply na binili para sa buwan ng Mayo.

Hahatiin ito sa 4 na buwang installment simula ngayong buwan hanggang September 2024 bill kaya asahan ang mataas na generation charge sa mga susunod na buwan ayon sa Meralco.

Tags:

Dagdag-singil ng Meralco na P0.64/kwh, asahang ipatutupad ngayong Hunyo

by Radyo La Verdad | June 14, 2024 (Friday) | 44786

METRO MANILA – Inanunsyo ng Manila Electric Company (MERALCO) na magpapatupad ito ng dagdag-singil sa kuryente ngayong Hunyo.

Inaasahang magkakaroon ng increase na P0.64 kada kilowatt-hour ang muling sa kabuuang power rate ng Meralco.

Ayon sa Meralco, bunsod ito ng pagtaas ng generation charge ngayong buwan, pagbaba ng halaga ng P1 kontra dolyar, at iba pang mga adjustment.

Kabilang na rito ang utay-utaying dagdag-singil sa generation cost sa mga nagdaang buwan bunsod ng manipis na supply ng kuryente sa Luzon grid kasabay ng mataas na pangangailangan dahil sa mainit na panahon.

Tags: ,

Meralco pinag-iingat ang mga customer laban sa fake email

by Radyo La Verdad | May 31, 2024 (Friday) | 39248

METRO MANILA – Pinag-iingat ngayon ng Meralco ang kanilang mga customer laban sa mga scammer na gumagamit ng fake email at nagpapanggap na kanilang empleyado.

Paalala ng Meralco, huwag mag-reply o mag-engage sa nasabing email, at iginiit na ang pagbabayad ng bills ay ginagawa lamang sa kanilang official payment channels.

Para sa karagdagang mga impormasyon, i-follow lamang ang official social media accounts ng Meralco, gayundin ang kanilang website at Meralco mobile app.

Tags: ,

More News