Singil sa kuryente ng MERALCO, tataas ngayong Abril

by Radyo La Verdad | March 30, 2016 (Wednesday) | 577

MERALCO
Magpapatupad ng walong sentimo kada kilowatt hour na taas singil sa kuryente ang MERALCO sa Abril.

Ayon sa MERALCO ito ay dahil sa feed in tariff o ang incentive na ibinibigay sa mga renewable energy developer.

Sa mga kumukonsumo ng one hundred kilowatt per hour kada buwan, nasa walong piso ang madadagdag sa kanilang monthly bill habang labing-anim na piso naman ang madadagdag sa bill ng mga kumukonsumo ng two hundred kilowatt per hour.

Inaasahang sa buwan ng Mayo ay muling magkakaroon ng taas singil sa kuryente ang MERALCO.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,