Speaker Alvarez, pormal nang hiniling sa pangulo na i-certify urgent ang panukalang BBL

by Radyo La Verdad | May 24, 2018 (Thursday) | 1132

Sumulat na si House Speaker Pantaleon Alvarez kay Pangulong Rodrigo Duterte para hilingin na i-certify as urgent ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa ngayon, pinag-uusapan pa ng Kamara at ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) ang mga probisyong nais amyendahan ng ilang kongresista saka ito ikakalendaryo sa plenaryo.

Kapag dineklarang certify urgent ng pangulo ang BBL, maaari na itong aprubahan sa plenaryo sa second at third and final reading sa loob lamang ng isang araw.

Tags: , ,