SRP sa ilang agri products, ilalabas ng Department of Agriculture sa Lunes

by Radyo La Verdad | June 22, 2018 (Friday) | 2160

Ipapatupad na ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price (SRP) sa ilang agricultural products sa Lunes.

Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, napagkasunduan na ililimita muna sa isda, bigas, bawang at sibuyas ang SRP habang pinag-aaralan pa ang ibang mga bilihin.

Ang regular na bigas ay may SRP na P39 kada kilo; 150/ kilo sa bangus; 100 sa tilapya at 140 sa galunggong.

Ang pulang sibuyas naman ay p95 / kilo habang 75 ang puti; p70 naman sa imported na bawang at 120  ang inani sa bansa.

Ayon kay Piñol, hindi maaaring lumagpas sa 10% ng SRP ang presyo sa merkado ng mga binanggit na produkto.

Maaaring pagmultahin ng hanggang 1 milyong piso at makulong ang sinomang mapatunayang lalabag sa Anti-Profiteering law.

 

Tags: , ,