Sugatan sa banggaan ng motorsiklo at dump truck sa QC, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 12, 2017 (Thursday) | 1213

tmbb
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang naganap na banggaan ng motorsiklo at dump truck sa Quirino Highway, Barangay Greater Lagro Sa Quezon City kaninang hating gabi.

Nadatnan ng grupo ang angkas ng motor na kinilalang si John Rex Montanes, 25 years old na iniinda ang tinamong pinsala sa kanang binti.

Agad namang nagsagawa ang grupo ng assessment sa kalagayan ng biktima at nilapatan ng pangunang lunas ang mga sugat nito.

Ayon sa nakakita sa pangyayari ang motorsiklo ang bumangga sa truck.

Matapos bigyan ng first aid ay hindi na ito nagpadala pa sa ospital.

Sa halip ay nagpahatid na lamang sa kanilang bahay na ilang metro lamang ang layo sa pinangyarihan ng aksidente.

Samantala, ang Quezon City DPOS Rescue naman ang tumulong sa driver ng motorsiklo na kinilalang si King Yangson na isinugod naman sa East Avenue Medical Center.

Tags: ,