Sugatang motorcycle rider sa Pampanga, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | March 2, 2017 (Thursday) | 498


Sugatan ang isang motorcycle rider matapos bumangga sa likuran ng pajero sa Barangay Lourdes, Angeles City Pampanga, alas onse y medya kagabi.

Nagtamo ng gasgas sa paa at hiwa sa ilalim bahagi ng labi ang bente sais anyos na rider na si John Luis Co.

Ayon kay John Luis, habang binabagtas ang kahabaan ng Mc Arthur Highway sa naturang syudad ay hindi nila kaagad napansin ang pajero na paliko sa isang kanto kaya bumangga sila sa likuran ng sasakyan.

Kasama ng biktima ang bayaw nito na wala namang tinamong pinsala.

Matapos malapatan ng first aid ang biktima ay tumanggi na itong magpadala pa sa hospital.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,