Sugatang tricycle driver sa Pampanga, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 11, 2017 (Wednesday) | 1195

joshua_tmbb
Bumaliktad ang isang tricycle sa kahabaan ng Mc Arthur Highway sa Barangay Pulong Cacutud, Angeles City, Pampanga pasado alas onse kagabi.

Agad na tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang driver nito na kinilalang si Amid Valenzuela, 42 anyos.

Binigyan ng pangunang lunas ng grupo ang mga tinamo nitong gasgas sa ulo at mga kamay.

Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, mabilis ang takbo nito at pagewang gewang na.

Pagdating sa tulay ay bigla umanong kumabig pakanan si Mang Amid kung kaya nawalan ng balanse at bumaliktad ang tricycle.

Samantala matapos malapatan ng pangunang lunas ay tumanggi nang magpadala sa hospital ang biktima.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: ,