Supply ng pulang sibuyas sa bansa, sisiyasatin ng DA

by Radyo La Verdad | November 29, 2022 (Tuesday) | 4536

METRO MANILA – Inaalam na ng Department of Agriculture (DA) ang estado ng supply ng pulang sibuyas sa bansa sa gitna ng mga napaulat na pagtaas ng presyo nito sa ilang pamilihan.

Ayon kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, nakatanggap na nga sila ng mga impormasyon na may mga nagbebenta nito ng hanggang mahigit P300 kada kilo.

Sa ngayon ay nakikipag ugnayan na ang kagawaran sa Bureau of Plant Industry para makita ang supply situation at malaman ang dahilan ng sobrang taas na presyo nito.

Tags: , ,