Sirang tubo ng tubig sa Valenzuela City, kasalukuyan nang kinukumpuni ng Maynilad

by Radyo La Verdad | June 22, 2018 (Friday) | 6695

Dumating na ang mga tauhan ng Maynilad sa M.H. del Pilar street Barangay Palasan, Valenzuela kung saan may isang linya ng tubig ng Maynilad ang nasira.

Ayon sa Maynilad, tatanggalin ng mga ito ang tubig sa drainage kung saan nakapaloob ang nasirang tubo upang malaman ang dahilan ng pagkasira at kumpunihin ito.

Posible umanong nasira ito dahil sa mga road repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lugar na dati na rin umanong nangyari o maaari rin anilang dahil sa kalumaan ng tubo.

Tinatayang isang libong residente sa lugar ang naapektuhan ng pagkasira ng linya ng tubig.

Inaasahang maaayos rin ito ngayong umaga.

Tags: , ,