Suspensyon ng klase dahil sa COVID-19, suportado na ng DepED

by Erika Endraca | February 13, 2020 (Thursday) | 6614

METRO MANILA – Suportado na ng Department of Education (DepED) ang pagsususpinde ng klase sa dahil sa banta ng Coronavirus Disease.

Base sa memorandum order ng ahensya na binibigyan na nila ng otorisasyon ang lahat ng Regional Director, School Division Superintendents at School Heads na magsuspinde ng klase kung may kumpirmadong kaso na sa kanilang paaralan.

Maaari rin umanong suspindihin ang pasok sa mga paaralan sa buong probinsya kung magkakaroon ng community-level transmission ng virus.

(Grace Casin | UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: