Taas-presyo sa produktong petrolyo, inaasahang ipatutupad bukas

by Radyo La Verdad | October 23, 2023 (Monday) | 7724

METRO MANILA – Inaasahang magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis bukas araw ng Martes, October 24

Sa inisyal na pagtaya ng Oil Industry Players, posibleng tumaas ng P1.20 hanggang P1.50 ang presyo ng kada litro ng Diesel.

Habang nasa P90 hanggang P1.10 ang inaasahang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.

P1.20 hanggang P1.40 naman ang inaasahang pagtaas sa presyo ng kada litro ng Kerosene.

Paliwanag ng Department of Energy (DOE), isa sa mga dahilan ng oil price hike ay ang pagbaba ng stockpiles ng Estados Unidos.

May kontribusyon rin anila ang gulong nangyayaring ngayon sa Israel at Gaza para tumaas ang presyo ng langis.

Tags: ,