Posts Tagged ‘BOC’

DOJ, aapela sa dismissal ng drug case kaugnay ng P6.4 billion smuggled shabu

Maghahain ng motion for reconsideration ang Department of Justice (DOJ) upang iapela ang pag-dismiss ng Valenzuela Regional Trial Court sa isa sa mga kasong may kinalaman sa 6.4 bilyong piso na halaga ng shabu na pinalusot sa Bureau of Customs ...

May 7, 2018 (Monday)

Hinihinalang shabu at kush weeds na itinago sa mga laruan, nasabat ng Bureau of Customs

Hindi nakalusot sa Bureau of Customs (BOC) ang ilang kilo ng illegal drugs na ipupuslit sana sa bansa. Itinago sa mga laruang manika at lego blocks ang dalawang kilo ng hinihinalang shabu at isang daang gamo ng kush weeds na ...

April 27, 2018 (Friday)

Dating opisyal ng DTI, iminungkahing ibalik sa pinaggalingang bansa ang mga nasasabat na smuggled goods

Sunod-sunod ang mga nasasabat na smuggled na produkto ng pamahalaan nito lamang nakalipas na mga linggo. Karamihan sa mga ito ay produktong agrikultura gaya ng bigas at sibuyas na nagkakahala ng daang milyong piso. Ayon kay dating Trade Undersecretary Vic ...

April 26, 2018 (Thursday)

Tone-toneladang smuggled na sibuyas, nasabat ng Bureau of Customs sa Maynila

Mahigit limandaang tonelada ng smuggled na sibuyas galing China ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Terminal kahapon. Palabas na sana ng terminal ang iba sa labimpitong container vans na naglalaman ng smuggled na sibuyas. Sa ...

April 24, 2018 (Tuesday)

Pagresolba sa mga smuggling case, pabibilisin ng BOC

Aminado ang Bureau of Customs (BOC) na tumatagal ng ilang taon ang mga smuggling case bago maresolba dahil sa kawalan ng maayos na sistema. Dahil dito, lalagyan na ng regulated period ni Commissioner Isidro Lapeña ang pagresolba sa mga naturang ...

March 27, 2018 (Tuesday)

Dalawang mataas na opisyal ng BOC, pinabulaanang tumatanggap ng “tara”

Itinanggi ng dalawang deputy commissioner ng Bureau of Customs na tumatanggap sila ng tara. Taliwas ito sa binulgar ni Senator Panfilo Lacson sa kaniyang privilege speech noong August 2017 na kabilang umano sina Deputy Commissioner Edward Dy Buco at Natalio ...

March 20, 2018 (Tuesday)

Halos ₱9M halaga ng smuggled na sigarilyo at paputok, nasabat ng Bureau of Customs

Aabot sa siyam na milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo at paputok ang nasabat ng Bureau of Customs sa Port of Manila noong ika-21 at ika-27 ng Pebrero. Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, idineklarang appliances at footware products ...

March 6, 2018 (Tuesday)

22 natitirang smuggled luxury cars na nagkakahalaga ng P133M, wawasakin din ng BOC

Desisyon na lamang ng korte ang hinihintay ng Bureau of Customs at sunod ng wawasakin ang natitira pang dalawampu’t dalawang nasabat na smuggled luxury vehicles sa Manila International Container Port. Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, mas makikinabang ang pamahalaan ...

February 14, 2018 (Wednesday)

30 smuggled luxury cars, sinira ng Bureau of Customs

Isa sa highlight ng pagdiriwang ng Bureau of Customs sa kanilang ika-116 na Founding Anniversary kahapon ang pagsira sa tatlumpung smuggled luxury cars sa South Harbor Port Area, Manila. Ilan sa mga luxury cars ay mga used o gamit ng ...

February 7, 2018 (Wednesday)

Dating BOC Commissioner Nicanor Faeldon, itinalaga ni Pangulong Duterte sa Office of the Civil Defense

Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong posisyon si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon. Itinalaga ito bilang Deputy Administrator ng Office of the Civil Defense. Nagbitiw nilang hepe ng BOC si Faeldon matapos ang masangkot sa pagpuslit ng 6.4 billion ...

December 28, 2017 (Thursday)

Computer system upgrade ng BOC, inaasahang makatutulong upang mapataas ang revenue collection ng kawanihan

Dalawang daang milyong dolyar ang ipagkakaloob ng World Bank para pondohan ang computer system upgrade ng Bureau of Customs. Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, kinakailangan ang improvement ng computer system ng kawanihan na makakaabot sa global standard. Naniniwala si ...

November 21, 2017 (Tuesday)

P300-M halaga ng mga peke at smuggled products, kinumpiska ng BOC sa QC at Maynila

Iba’t-ibang uri ng mga peke at smuggled na bath soap, seasoning at sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng 300 milyong piso ang nakumpiska ng Bureau of Customs o BOC sa tatlong warehouse sa Quezon City at Maynila. Naaresto rin ang may-ari ...

November 10, 2017 (Friday)

BOC, nagbabala laban sa online love scam

Nagbabala ang Bureau of Customs laban sa “online love scammers” na nangangako ng gift packages, ito ay matapos makapagtala ang BOC ng 1,263  na kaso ng iba’t-ibang uri ng online scams mula January hanggang September ngayong taon. 692 sa mga ...

October 23, 2017 (Monday)

BOC, naabot ang target nitong daily collection sa kauna-unahang pagkakataon

  Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Bureau of Customs ay naabot umano nito ang daily collection target noong September 28 at 29. Ayon sa inilabas na ulat ng kawanihan, umabot sa mahgiit anim na bilyong piso ang kanilang nakolekta ...

October 16, 2017 (Monday)

P3M halaga ng illegal drugs, nasabat ng BOC sa Central Mail Exchance Center, Pasay City

Anim na parcel na naglalaman ng marijuana leaves, cannabis oil at ecstacy ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City. Tinatayang nagkakahalaga ito ng mahigit tatlong milyong piso at pinaniniwalaang mula sa Amerika at ...

October 11, 2017 (Wednesday)

38 kawani ng BOC, tinanggal sa pwesto

Walong District Collector ng Bureau of Customs ang tinaggal sa pwesto ni BOC Commissioner Isidro dahil sa hindi pagtupad sa kanyang kautusan na tigilan na ang kurapsyon at benchmarking sa kanilang nasasakupang ports. Kabilang sa mga inalis sa posisyon ang ...

October 9, 2017 (Monday)

Empleyado ng BOC, tumestigo kaugnay ng ibinibigay na tara sa ilang opisyal ng Customs

Kinumpirma kahapon ni May Escoto, isang staff ng Customs Intelligence and Investigation Service ng Bureau of Customs na may natanggap siya umanong tara o suhol mula sa fixer na si Mark Taguba. Ang binibigay ni Taguba ay para umano kay ...

October 5, 2017 (Thursday)

Emergency powers sa pagbuwag sa BOC, nais ibigay ng Kamara kay Pres. Duterte

Bureau of Customs Service na siyang incharge sa koleksyon at taxes at Bureau of Security Control na icharge naman sa police powers. Ito ang dalawang bagong ahensya na inirekomendang mabuo ng Kamara kapalit ng tuluyang pagbuwag sa Bureau of Customs ...

October 4, 2017 (Wednesday)