Taxi driver na umano’y sangkot sa kaso ng tanim bala, inabswelto na ng LTFRB

by Radyo La Verdad | November 10, 2015 (Tuesday) | 1500

vlcsnap-2015-11-10-13h41m55s022
Inabswelto na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang Taxi driver na umano’y isinasangkot sa sinasabing kaso ng tanim bala sa mga paliparan.

Dahil dito nagdesisyon na ang LTFRB, na isyuhan ng contempt order si Habana habang inabswelto na rin sa kaso si Milagrosa.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez, naniniwala ang mga miyembro ng board na walang kasalanan si Milagrosa, at walang katotohanan ang mga ibibintang dito.

Sa kabila ng mga akusasyon, wala pa namang plano na magsampa ng kaso ang nasabing taxi driver kay Habana, at sa halip ay ipinagpapasalamat na lamang niya ang pagkakalinis ng kanyang pangalan, dahil malaki rin aniya ang naging epekto nito sa kanyang paghahanap buhay.

October 30, nang i-upload sa Facebook ni Habana ang mga larawan ng isang Vigil taxi na may plakang UVK 190, na umano’y sangkot sa tanim bala scam.

(Joan Nano/UNTV News Correspondent)

Tags: , ,