Tigil pasada, isasagawa ng ilang grupo ng TNVS sa Lunes

by Erika Endraca | July 5, 2019 (Friday) | 7342

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng tigil-pasada sa Lunes ang ilang grupo ng Transport Network Vehicle Service (TNVS). 

Ito ay bilang protesta sa anilaý pahirapang proseso sa pagkuha ng prangkisa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Pangunahin nilang idinadaing ang anilaý mga bagong requirement na hinihingi sa kanila bago makakuha ng provisional authority at certificate of public convenience.

Napililitan tuloy silang magpabalik-balik sa pagsusumite ng mga requirement na anila’y magastos  at matinding abala sa kanilang pamamasada.

“Noon ang problema lang namin deactivation ngayon pinapatay kahit existing driver operator kasi hindi pu-pwedeng bumiyahe ang isang papel na walang pa dahil bakit?hindi nila nilalabas bakit?pending kasi nila. Kami ba ang may kasalanan?hindi comply,bayad,process,asan ang papel?wala” ani Road Grabbers President Janina Pineda.

“Kahit mag motion ka kahit na anong gawin mo is maghihintay ka talaga ng 30 days para bumiyahe or worst tlagang deactivate ang mangyayari sayo” ani Tnvs Alliance Philippines President Aylene Paguio

Asahan na anila ng mga pasahero ang pahirapang pagbo-book ng ride dahil maraming mga driver ang hindi muna bibiyahe. Magsasagawa rin ng vigil at caravan ang mga tnvs driver at operators.

Plano rin nila na maghain ng reklamo sa ombudsman laban sa mga opisyal ng ltfrb dahil sa umano’y hindi pagbibigay ng prangkisa sa mga hatchback.

Pero ayon kay Ltfrb Chairman Martin Delgra  III wala silang hinihinging bagong requirement at dating proseso lamang ang pinatutupad sa aplikasyon at renewal ng prangkisa.

“Wala pong problema sa mga ganun hindi natin madadaan sa mga ganung salita na ang gusto nyong mangyari ipe-perwisyo nyo yung mananakay”ani Ltfrb Chairman Attorney Martin Delgra III

Samantala umapela naman ang Grab Philippines sa mga kanilang mga partner drivers na huwag makilahok sa naturang tigil-pasada upang hindi maperwisyo ang mga pasahero.

Sa nagyon ay pinag-aaralan pa ng grab ph kung posibleng patawan ng parusa ang mga driver na makikiisa sa tigil-pasada.

 (Joan Nano | Untv News)

Tags: , ,