Tigil-pasada sa October 16, itutuloy pa rin ng Manibela dahil sa umanoý katiwalian sa LTFRB

by Radyo La Verdad | October 11, 2023 (Wednesday) | 4826

METRO MANILA – Hindi sapat para sa grupong Manibela ang suspensyong ipinataw kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III hinggil sa umano’y pagkakasangkot nito sa isyu ng korupsyon sa loob ng ahensya.

Kaya naman hindi pa rin magpapaawat at itutuloy pa rin ng grupo ang planong tigil-pasada na gagawin sa Lunes October 16.

Ibinunyag ng dating executive assistant ni Guadiz ang umano’y korupsyon sa loob ng LTFRB, kung saan sinasabing talamak umano ang suhulan kapalit ng special permit para sa mga PUV, aplikasyon ng prangkisa at iba pang transaksyon.

Bukod sa suspensyon kay Guadiz iginiit ng Presidente ng Manibela na si Mar Valbuena, dapat suspendihin ng pamahalaan ang implementasyon ng PUV modernization program.

Aniya dapat repasuhin ang mga regulasyon sa programa, at ibalik ang dating sistema kung saan may 5 taong valdity ang mga prangkisa ng mga indibidwal na operator, at hindi ng isang kooperatiba o korporasyon.

Bukod kay Guadiz nais ng grupo na masuspinde si Transportation Secretary Jaime Baustista, gayudin ang iba pang mga opisyal ng DOTr, at regional directors ng LTFRB.

Ito’y dahil sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa laganap na ‘Ruta for Sale’ scheme sa ilalim ng PUV modernization program.

Sa pahayag na inilabas ng DOTr sinabi nito na iniimbestigahan na nila ang isyu, at pinagpapaliwanag si Guadiz hinggil sa mga akusasyon na nangyayari sa loob ng LTFRB.

(JP Nunez | UNTV News)

Tags: ,

Manibela, nagbanta na palalawigin ang tigil-pasada hanggang ngayong Linggo

by Radyo La Verdad | November 27, 2023 (Monday) | 125

METRO MANILA – Nagbanta ang transport group na Manibela na palalawigin nila ang isinagawang tigil-pasada noong nakaraang Linggo.

Ayon sa grupo, i-eextend nila ang nationwide transport strike hanggang ngayong Linggo kung patuloy anilang  ipipilit ng pamahalaan ang deadline ng franchise consolidation para sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sa December 31.

Nagtapos nitong Biyernes (November 24) ang 3 araw na tigil-pasada ng Manibela.

Sa pagtaya ng grupo, posibleng umabot sa 150,000 na mga jeepney driver at operators sa buong bansa ang inaasahang makikiisa sa planong extension ng tigil-pasada.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na panibagong opisyal na pahayag ang grupo ukol sa kanilang plano kung itutuloy ang extended transport strike.

Tags: , ,

Mga tradisyunal na jeep makakabyahe pa pagkatapos ng deadline sa franchise consolidation – LTFRB

by Radyo La Verdad | November 22, 2023 (Wednesday) | 1699

METRO MANILA – Habang nalalapit ang deadline ng franchise consolidation sa December 31 ngayong taon, may agam-agam ang mga transport group na mape-phaseout na ang mga tradisyunal na jeep pagpasok ng unang araw ng 2024 dahil mawawalan na ng bisa ang prangkisa ng mga hindi sasali o bubuo ng kooperatiba o korporasyon.

Ang franchise consolidation ang unang hakbang ng PUV modernization program (PUVMP) na naglalayong pag-isahin ang mga operator na may indibiwal na prangkisa ng mga tradisyunal na jeep sa pamamagitan ng pagbuo ng mga kooperatiba o korporasyon.

Nilinaw ng LTFRB ang umano’y maling pagkaintindi ng mga transport group dahil pagkatapos ng deadline sa December 31 ay makakabyahe pa rin naman ang mga tradisyunal na jeep at hindi ito agad papalitan ng mga modernong jeepney dahil maaari itong magdulot ng transport crisis.

Sa ngayon, pinagpapasa ng LTFRB ang mga operators ng tradisyunal na jeep ng kanilang petition for consolidation bago pa ang deadline sa December 31.

Ayon kay LTFRB Spokesperson Celine Pialago, mas pinadali na ito dahil nasa 2 page lang ang kanilang kailangang ipasa bilang pagpapakita na nais talaga nilang makiisa sa modernisasyon na isinusulong ng gobyerno.

Ang petition for consolidation ang magbibigay karapatan sa LTFRB at sa Land Transportation Office (LTO) upang suriin ang kanilang mga tradisyunal na unit kung roadworthy pa ito at maaari pang makabyahe sa susunod na taon kahit hindi pa palitan ng modernong jeep.

(JP Nunez | UNTV News)

Tags: , ,

Pagdinig sa P5 fare hike petition, hindi muna itutuloy ng LTFRB dahil taas-babang presyo ng petrolyo

by Radyo La Verdad | November 17, 2023 (Friday) | 1870

METRO MANILA – Hindi muna magpapatawag ng hearing para sa isinusulong na fare increase ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III.

Ang tinutukoy na fare increase ay ang P5 fare hike petition na isinumite ng 3 transport group noong Agosto.

Ayon kay Chairman Guadiz, hihintayin ng ahensya hanggang Disyembre na ma-stabilize ang taas, babang presyo ng langis bago mag-set ng hearing.

Dagdag ni guadiz, kung magtatakda ng hearing ngayon at pagkatapos ay tataas at bababa muli ang halaga ng langis ay hindi nila matutugunan kung magkano talaga ang dapat itaas sa pamasahe.

Sinabi din ni Guadiz na planong ipagpatuloy ng LTFRB ang public hearing sa proposed fare hike sa Disyembre at bumuo ng resolusyon pagkatapos ng 1 buwan.


Tags: ,

More News