Top seed Andy Murray, pasok na sa 2nd round ng warm up tournament ng Wimbledon

by Radyo La Verdad | June 15, 2016 (Wednesday) | 2778
Andy Murray(REUTERS)

Andy Murray(REUTERS)

Tinalo ni Andy Murray si Nicolas Mahut ng France 7-6 7-6 sa first round ng warm up tournament ng Wimbledon sa Queen’s club.

Sa sagupaan nagpamalas ng improvement sa grasscourt game ang Czech-born na si Murray.

Ito rin ang unang pagkakataon na naglaro si Murray sa harap ng kanyang coach mula 2012 hanggang 2014 na si Ivan Lendl.

Muling kinuhang coach ni Murray si Lendl upang igiya siyang muli sa kanyang paghahangad na manalo ng grandslam.

Ang kababayan niyang si Benoit Paire France o si Aljaz Bedene ng Great Britain ang makakasagupa ni Murray sa second round.

Tags: , ,