2015 Wimbledon champion Novak Djokovic ng Serbia at runner-up Roger Federer ng Switzerland. (Photo credit: REUTERS/STEFAN WERMUTH)
Naghari sa ikalawang sunod na taon sa Wimbledon championships si Serbian tennis superstar Novak Djokovic matapos daigin sa finals ng men’s singles, si seven-time winner Roger Federer, 7-6, 6-7, 6-4 at 6-3.
Napigilan ng world’s number 1 netter ang mga power serves ng Swiss counterpart at sinamantala ang 35 unforced errors ng karibal upang ipanalo ang match at sungkitin ang ikatlong titulo ng all England club.
Sa kabuuan ay tangan ni Djokovic ang siyam na major title, kabilang na rito ang korona ng 2015 Wimbledon.
Photo credit: REUTERS
Samantala, hangad ni NBA all-star player Paul George na ituloy ang pangarap na makapaglaro para sa team U.S.A. sa darating na 2016 Olympics, sa Rio de Janeiro, Brazil.
Handa na umano ang Pacers forward-guard na makasama sa training camp at maging bahagi ng national squad na kakampanya sa pagsungkit ng gintong medalya sa quadrennial games.
Matatandaan na hindi na nakapaglaro si Paul George sa 2014 FIBA World Cup nang magtamo ito ng malubhang right leg injury sa ensayo ng U.S. men’s basketball team. Nakabalik lamang ito sa NBA noong Abril, matapos ang walong buwang rehabilitation.
Tags: FIBA World Cup, Novak Djokovic, Paul George, Roger Federer, Wimbledon
Roger Federer(REUTERS)
Nagpull out na si Roger Federer sa olympic games na sisimulan sa August 5 hanggang 21.
Nangangailangan si Federer ng mahabang rehabilitasyon upang mapahaba pa ang kanyang tennis career.
Naoperahan si Federer sa tuhod sa unang bahagi ng kasalukuyang taon.
Nito lamang nakaraang buwan na-injured ang kanyang kaliwang tuhod na kinailangang operahan.
Nagkaroon din siya ng back injury sa French Open at kahapon ipinasya nito na huwag munang maglaro ngayong season.
Tags: hindi makakalaro sa buong season, Roger Federer, umatras na sa olympics
Andy Murray(REUTERS)
Tinalo ni Andy Murray si Nicolas Mahut ng France 7-6 7-6 sa first round ng warm up tournament ng Wimbledon sa Queen’s club.
Sa sagupaan nagpamalas ng improvement sa grasscourt game ang Czech-born na si Murray.
Ito rin ang unang pagkakataon na naglaro si Murray sa harap ng kanyang coach mula 2012 hanggang 2014 na si Ivan Lendl.
Muling kinuhang coach ni Murray si Lendl upang igiya siyang muli sa kanyang paghahangad na manalo ng grandslam.
Ang kababayan niyang si Benoit Paire France o si Aljaz Bedene ng Great Britain ang makakasagupa ni Murray sa second round.
Tags: 2nd round, Top seed Andy Murray, Wimbledon
Minadali ni four-times champion Roger Federer ang laban upang hindi na ito umabot ng lunes at agad tinalo si David Goffin 6-2 6-1 6-4 upang umusad sa quarterfinals ng Australian open.
Ang laban ni Federer ang huli sa naka-schedule sa showcourt sa rod laver arena kahapon dahil sa haba ng laro na sinundan nito.
Umabot sa five sets ang labanan nina Novak Djokovic at Gilles simon kaya naman halos alas siete na ng gabi nang simulan ang laban nina Federer at Goffin.
Tumagal lamang ang sagupaan ng 88 minutes upang makahakbang si Federer sa quarterfinals kontra kay sixth seed Tomas Berdych ng Czech Republic.
Samantala, luha at injury ang naging wakas ng giant-killing run ni Anna-Lena Friedsam na nagbigay daan kay world number four Agnieszka Radwanska na maagaw ang 6-7 6-1 7-5 victory sa fourth round.
Nakabalik naman si 10th seed Carla Suarez Navarro ng Spain mula sa first set na pagkatalo upang dispatsahin si Daria Gavrilova 0-6 6-3 6-2.
Tags: Australian Open, Roger Federer