Torotot at iba pang pampaingay na ginagamitan ng bibig, hindi muna dapat gamitin ngayong holiday season – DOH

by Erika Endraca | December 11, 2020 (Friday) | 6610

METRO MANILA – Hindi na muna maaring gamitin ang torotot bilang pampaingay sa darating na pagpapalit ng taon dahil may banta pa rin ng Covid-19.

Ayon sa Department Of Health (DOH), ang paggamit ng mga ganitong uri ng pampaingay ay paraan para maikalat o maihawa sa iba ang Covid-19 o iba pang sakit

“This year let us work together to get this number as low as possible maliban sa paputok iwasan natin ang mga paggamit ng mga torotot at mga katulad nito upang mapigilan natin ang posibleng pagkakahawa ng covid-19 at iba pang sakit.” ani DOH Sec Francisco Duque III.

“Ang isang kakaiba ngayon, huwag gumamit ng pampaingay na gumagamit sa bibig that will cause transfer of saliva, mga pito, mga torotot. Bawal po yan. Kailanagn naka mask pa rin tayo at nagso- social distance” ani DOH Usec Myrna Cabotaje.

Ayon sa DOH, gumamit muna ng sa ngayon ng mga pampaingay gaya ng kaldero , tambol o marakas kaysa pito o torotot. Nguni’t huwag ding kalilimutan na magsuot pa rin ng mask, face shield at iwasang magkumpulan.

“We have already definitely come along way in the Covid-19 response as a nation I urge to not sqauander our gains in this year’s holiday season. Let us contiue to practice minimum public health standards and celebrate safely” ani DOH Sec Francisco Duque III.

Target din na maabot ng pamahalaan ngayong taon ang zero fireworks related injuries, kaya tuloy pa rin ang iwas paputok campaign ng department of health sa gitna ng pandemya. 35% ang ibinaba ng fireworks-related injuries noong taong 2019 kumpara sa kaparehas na taon sa taong 2018.

Dahil sa umiiral na Executive Order no. 28 o regulation at control ng mga firecrackers at iba pang pyrotechnic devices sa bansa. Ang pinapayagan lang ay mga community fireworks display

Samatala, ayon naman sa dti sakaling bibili ng paputok o fireworks para sa pamilya ay tiyaking lisensyado ito ng ahensya

“Tatlo lang po as of today, as we speak ang licensed manufacturers natin ito iyong tiger, pegasus at dragon so all others na makiikita niyo sa merkado ibig sabihin po unlicensed sila at hndi dumaan sa testing ng bps .. Kaya huwag niyo pong bilhin dahil it’s not gping to be safe for you.” ani DTI Usec Ruth Castelo.

Sa kabilang banda, hindi hinihikatyat ng DOH ang publiko na gumamit ng anomang uri ng paputok lalo na ngayong umiiral pa rin na pandemya at hindi inirerekomenda ang mga pagtitipon sa isang lugar.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,