Transport network company na HYPE, pinagpapaliwanag ng LTFRB hinggil sa umano’y iligal na P2/min travel time charge

by Radyo La Verdad | July 18, 2018 (Wednesday) | 4866

Pinagpapaliwanag ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang transport network company na HYPE dahil sa umano’y iligal na paninigil ng dalawang piso kada minutong travel time charge sa mga pasahero.

Batay sa show cause order na inilabas ng LTFRB ngayong araw, inuutusan nito ang HYPE na magsumite ng kanilang paliwanag kung bakit ito nagpatupad ng nasabing dagdag pasahe na hindi naman aprubado ng board.

Bukod dito, inatasan rin ng LTFRB ang mga opisyal ng naturang ride hailing company na dumalo sa gagawing pagdinig sa ika-24 ng Hulyo upang sagutin ang mga isyu at idepensa sa board ang nasabing dagdag pasahe.

Sa ilalim na umiiral na sistema ng LTFRB, mayroong ipinapataw na flagdown rate sa mga ride hailing service depende sa klase ng sasakyan.

40 piso para sa mga sedan, 70 piso para sa mga SUV at 100 pesos para sa mga van.

Bukod pa rito ang 14 piso na singil sa kada kilometro ng biyahe at times two na surge.

Habang hindi naman ang kasama ang pagpapataw ng per minute travel time charge sa kanilang fare structure.

 

Tags: , ,