Tulak ng iligal na droga sa Cavite, patay sa buy-bust operation

by Radyo La Verdad | August 6, 2018 (Monday) | 2418

May surveilance video na nakarating sa Indang Cavite Police kung saan makikita si alyas Den na nagrerepack ng iligal na droga.

Dahil dito, agad nagsagawa ng buy bust operation ang mga pulis sa barangay mataas na lupa sa Indang Cavite kaninang madaling araw.

Ngunit nakatunog ang suspek na pulis ang kaniyang katransaksyon at agad umano itong nagpaputok ng baril kaya napilitang gumanti ang mga pulis.

Bukod sa pagbebenta ng iligal na droga, sangkot din umano si alyas Den sa mga kaso ng pagnanakaw sa Dasmariñas City. Narecover ng pulisya ang isang kalibre 38 na baril, mga pakete hinihinalang shabu at marijuana.

Sa ngayon ay inaalam pa ng Indang PNP ang buong pagkakakilanlan ng suspect at ang mga posibleng kasabwat nito.

 

( Benedict Samson / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,