Tulunan, North Cotabato, niyanig ng magnitude 6.3 na lindol

by Erika Endraca | October 17, 2019 (Thursday) | 764
PHOTO (C) : Sam Joel Nang

KIDAPAWAN, North Cotobato – Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang North Cotabato, dakong 7:37 Kagabi (October 16). Tectonic ang lindol na may lalim na 15 kilometro. Ang epicenter ng lindol ay nasa 22 kilometers East ng Tulunan North Cotabato.

Naramandaman ang intensity 7 sa Kidapawan City. Intensity 5 sa Davao City; Tupi, South Cotabato at Alabel Saranggani. Intensity 4 naman sa South Cotabato at General Santos City. Intensity 2 hanggang 3 sa Cagayan De Oro, Gingoog City at Misamis Occidental. Habang intensity 1 sa Dipolog at Bislig City. Samantala, nasunog ang isang mall sa General Santos City matapos yanigin ng lindol ang lungsod.

Ayon sa mga otoridad nagsimula ang apoy sa ground floor ng mall hanggang kumalat hanggang sa ikalawang palapag. Mabilis na nakalabas ng gusali ang mga empleyado ng mall at wala namang naitalang nasawi sa insidente.

Tags: ,