METRO MANILA – Nakakatanggap ng ilang sumbong ang Bureau of Immigration (B.I.) kaugnay ng talamak na bentahan umano ng pekeng entry permits sa mga dayuhan.
Sa gitna ito ng mahigpit na border restriction sa Pilipinas dahil sa pagkalat ng COVID-19 partikular na ang Delta variant.
Una nang pinabulaanan ng B.I. na mayroon silang ibinibigay na entry permits sa mga banyaga.
Inulit din ng mga ito na ang serbisyo ay para lamang sa mga foreigner na mayroong asawa at anak na Pilipino at maging ang mga may immigrant at non-immigrant visa.
Sa ngayon, iniimbestigahan na ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang mga ulat.
Maging ang iba pang aktibidad online na may kinalaman sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic ay binabantayan din ng pambansang pulisya.
Gaya ng pagbebenta ng pekeng RT- PCR results, vaccination cards at iba pa.
Ang vaccination card ay planong idagdag sa requirements para sa cross-border travel at kasalukuyan ding ginagamit para makakuha ng diskwento sa ilang mga establiyimento.
Kaya naman paalala ni Eleazar sa publiko, wag basta basta magtitiwala at agad na isumbong sa PNP-ACG kung nabiktima ng mga online scammer.
Base sa ulat PNP-ACG, nanguna ang online scam na nasa 34% sa mga natatanggap nilang reklamo simula noong magkaroon ng pandemya.
(Zy Cabiles | Laverdad Correspondent)
Tags: Fake Entry Permits, PNP-ACG
METRO MANILA – Makikipag-ugnayan na ang Philippine National Police- Anti Cybercrime Group sa Department of Information and Communications Technology (DICT) kaugnay sa sinasabing pagtatangka ng isang telecommunication company mula sa China na i-hack ang ilang government website sa bansa.
Ayon kay PNP-ACG Director Police Major Gen. Sydney Hernia, magsasagawa sila ng imbestigasyon ukol sa naturang impormasyon.
Kaugnay nito sinabi din ni Gen. Hernia na kailangang palakasin ang cybersecurity ng bansa dahil hindi naiiwasan ang mga attempted cyber attacks.
Noong weekend, sinabi ng DICT na galing umano sa state-owned telecommunications company ng China ang mga nagtangkang mang hack sa mga government website at email address sa Pilipinas.
Tags: Cyber attack, Cyber Security, PNP-ACG
METRO MANILA – Binalaan ng Philippine National Police Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang publiko laban sa modus operandi na kung tawagin ay “Love Scam” lalo na ngayong buwan ng Pebrero at sa identity theft.
Madalas aniyang nabibiktima ng love scam ay ang mga naghahanap ng karelasyon online.
Ilan sa mga profile ng love scammers ang sad boi, sad gurl kung saan nagku-kwento ng malungkot na buhay nya ang scammer para makuha ang atensyon mo.
Kabilang din ang mga tinatawag na “The Seducer”, the investor, servicemen, the escort, the blackmailer… the slow burn na nagpapanggap na harmless at the predator na target naman ang mga batang biktima.
Nagkaroon naman ng pagtaas sa kaso ng identity theft noong nakaraang taon kung saan umabot ito sa 12.2% kumpara noong 2022.
METRO MANILA – Mula sa text messages na naglalaman ng napanalunan sa isang raffle hanggang sa pag-aalok ng trabaho na may malaking sweldo, nag level up na ang mga scammer upang makapangloko.
Ngayon naman, link ng Tiktok video na may caption na, “Kung ikaw ba ang nasa video”?
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, huwag magtatangkang i- click ang mga nasabing link mula sa mga hindi naman kakilalang sender dahil isa itong scam .
Maha-hack aniya ang inyong social media account hanggang sa magamit ito sa panghihingi ng pera sa inyong mga kakilala.
Malaki rin ang panganib na mabuksan nito maging ang inyong mga Gcash account.
Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng PNP-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang naturang Tiktok link.
Bunsod ng patuloy na pamamayagpag ng mga scammer sa social media, pinalawak na din ng PNP ang kanilang cyber patrolling.
Base sa tala ng PNP-ACG nakapagtala na sila ng 118 reklamo ng scam sa social media sa loob lamang ng 3 buwan.
(Lea Ylagan | UNTV News)