
Naglabas ngayong araw ang Estados Unidos ng travel warning sa Mindanao partikular na sa Sulu.
Pinapayuhan ng United States ang kanilang mga mamamayan na iwasan ang pagbiyahe sa naturang lugar dahil umano sa patuloy na banta ng terrorismo, insurgent activities at kidnapping.
Lahat ng US government personnel ay kinakailangan naman munang kumuha ng special authorization mula sa Embassy Security Officials bago makabiyahe patungong Mindanao.
Una nang naglabas ng travel warning ang Estados Unidos para sa Mindanao noong April 2016 dahil sa kaparehong dahilan.
Naglabas ngayong araw ang Estados Unidos ng travel warning sa Mindanao partikular na sa Sulu.
Pinapayuhan ng United States ang kanilang mga mamamayan na iwasan ang pagbiyahe sa naturang lugar dahil umano sa patuloy na banta ng terrorismo, insurgent activities at kidnapping.
Lahat ng US government personnel ay kinakailangan naman munang kumuha ng special authorization mula sa Embassy Security Officials bago makabiyahe patungong Mindanao.
Una nang naglabas ng travel warning ang Estados Unidos para sa Mindanao noong April 2016 dahil sa kaparehong dahilan.

United States – “Appears to be Standing Down” ito ang maiksing sinabi ni US President Donald Trump sa kaniyang Address to the Nation sa Whitehouse Kaninang Umaga (american time) matapos ang pagatakeng ginawa ng Iran sa US airbase sa Iraq Kahapon (January 8).
Ayon kay President Trump magi-impose sila ng dagdag na financial and economic sanction sa Iran kaugnay sa pagpapasabog na ginawa ng Iran sa Sairbil at Al Asad airbase sa Central Iraq na ginagamit na kampo ng mga sundalong Amerikano.
Kinumpirma ni US President Trump na walang sinomang nasawi o nasaktan sa naturang pagpapasabog.
Sa pagtatapos ng speech ni President Trump, sinabi niya na “Ready to embrace peace” ang bansang US sa sino mang nais na makamtan ito.
(Alvin Cabamungan | UNTV News)
EL PASO, Texas – Isang matinding kontrobersiya na naman ang bumabalot sa migrant policy ni United States President Donald Trump dahil sa pagkasawi ng 7-year old Guatemalan migrant girl na nasa kustodiya ng US border patrol sa Mexico.
Pumanaw ang batang babae na kinilalang si Jakelin Caal noong December 8. Ayon sa ilang US official, nakaranas umano ang bata ng cardiac arrest, brain swelling at liver failure.
Nasawi ito sa El Paso, Texas dalawang araw matapos na i-detain ito at ang kanyang ama ng US border patrol sa isang remote part ng New Mexico. Ayon sa ama ng bata, wala umanong pre-existing medical condition si Jakelin.
Dahil dito, nananawagan ng masusing imbestigasyon ang ilang immigrant rights groups sa nangyari. Ayon sa Office of the Inspector General, magsasagawa sila ng masusing imbestigasyon patungkol sa misconduct accusation laban sa mga public employee. Tiniyak nito na isasapubliko ang resulta ng kanilang inquiry kapag natapos na ito.
Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang immigrant rights group na Annunciation House Refuge for Migrants sa Guatemalan Consulate upang i-repatriate ang labi ni Jakelin pabalik sa kaniyang bansa.
Isa ang pamilya ni Jakelin sa mga pinakamahirap na mamamayan sa kanilang lugar. Pangarap umano ng nasawing bata na makapagpadala ng pera sa kanyang pamilya na naiwan sa Guatemala, kabilang ang kanyang ina at tatong kapatid.
(Marie Peñaranda / UNTV News – USA)
Tags: guatemala, guatemalan, jakelin caal, migrant, Texas, United States, US
METRO MANILA – Kinasuhan na rin ng gobyerno ng Estados Unidos si Janet Napoles, ang itinuturing mastermind ng bilyun-bilyong pisong pork barrel scam.
Ayon sa US Department of Justice, sinampahan ng conspiracy to commit money laundering, domestic money laundering at international money laundering si Napoles. Damay rin sa kaso ang mga anak nitong sina Jo Christine, James Christopher at Jeane Catherine; ang kaniyang mga kapatid na sina Reynald Luy Lim at Ana Marie Lim.
Tinatayang nasa $20-M na pera mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas ang ipinasok at inilabas ni Napoles sa Estados Unidos. Ginamit niya umano ito sa personal na gastusin ng kaniyang pamilya, sa pagbili ng bahay at lupa, at mamahaling mga sasakyan kabilang na ang $12.5-M na real state sa Southern California.
Makikipag-ugnayan din ang mga otoridad ng Estados Unidos sa pamahalaan ng Pilipinas upang ma-extradite si Napoles at ang limang kaanak nito upang mapanagot sila sa isinampang mga kaso.
Tags: Estados Unidos, extradite, extradition, Janet Napoles, kaso, PDAF scam, United States