Charter change, malabong maisingit sa joint session ng Kongreso

by Radyo La Verdad | December 11, 2018 (Tuesday) | 7979

Tiniyak ni House Speaker Gloria Arroyo na hindi tatalakayin ang Resolution of Both Houses No.15 o ang panukalang charter change sa isasagawang joint session ng Kamara at Senado bukas para pag-usapan ang panukalang pagpapalawig sa martial law.

Ito’y matapos lumabas ang ilang usapin sa posibilidad na aprubahan bigla ang charter change.

Ayon kay Arroyo, hindi ito maaaring mangyari dahil bago maaprubahan ang panukalang pagpapalit sa konstitusyon ay dapat maipasa ito sa Kamara at Senado.

Wala pang naipapasang bersyon ng panukala ang Senado at Kamara.

 

 

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,