Mayor Junjun Binay, hindi aalis ng Makati city hall hangga’t walang TRO mula sa CA

by monaliza | March 13, 2015 (Friday) | 2527

JUNJUNBINAY_TRO 031315

Hindi pa nakapaglabas ng temporary restraining order ang Court of Appeals (CA) kaugnay ng inihaing petisyon ni Makati City Mayor Junjun Binay

Ayon kay Atty. Rico Quicho, spokesperson ni Vice President Jejomar Binay at abogado rin ni Mayor Binay na may iba pang opsyon ang alkalde para mapigilan ang anim na buwang preventive suspension na ipinataw ng Ombudsman kaugnay ng isyu ng Makati City Hall Building 2.

Ngayong araw inaasahang ira-raffle sa appellate court ang petition for certiorari ng alkalde.

Una nang sinabi ni Mayor Binay na hindi ito aalis sa pwesto habang nakabinbin ang petisyon sa CA.

Muling igiinit ng Ombudsman na may sapat na batayan ang pagpapataw ng suspensyon, na handa naman umanong ipatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , , , , ,