VP Sara, nangakong patuloy na maglilingkod sa DepEd

by Radyo La Verdad | June 26, 2023 (Monday) | 4100

METRO MANILA – Nangako si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na gagawin niya ang higit pang makakaya para sa kagawaran na kaniyang pinangungunahan.

Ito ang kaniyang naging pahayag kasabay ng pagdiriwang ng ika-125 anibersyo ng pagkakatatag ng DepEd.

Ayon sa ikalawang pangulo, itataguyod niya ang paghubog at suporta sa mga kabataang Pilipino para maging kapakipakinabang para sa pambansang kaunlaran.

Sinabi rin ni VP Sara na ang kagawaran ay magpapatupad ng mga epektibong programa at itataguyod ang isang gender-sensitive, ligtas, at nakapagpapatibay na kapaligiran para sa mga Pilipinong mag-aaral.

Binigyang-diin nya na magiging matatag ang kagawaran tungo sa isang bansang makabata at magkaroon ng batang makabansa.

Tags: ,