WISH 107.5, UNTV Anchor William Thio at UNTV Bio-documentary program ‘Spotlight’, wagi sa National Customers’ Choice Awards

by Radyo La Verdad | February 5, 2018 (Monday) | 1752

Matapos ma-hit ang two million youtube subscribers, isang milestone na naman ang nakuha ng WISH 107-5.

Noong Sabado, kinilala ang istasyon ng National Customers’ Choice Awards 2017-2018 bilang Most Outstanding Broadcasting and Media Production Company.

Ang WISH 107-5 ay kilala sa mga natatanging konsepto tulad ng first and only FM-booth on wheels, ang WISH bus.

Gayundin sa quality WISHclusive videos na patok na patok sa iba’t-ibang bahagi ng mundo at ang biggest online singing competition sa bansa, ang WISHcovery.

Samantala, tinanghal rin bilang News and Public Service Broadcasting Achiever ang UNTV Anchor na si William Thio.

Maging ang kanyang programa sa UNTV na “Spotlight” ay kinilala rin bilang most outstanding Bio-documentary show. Ang “Spotlight” ay nagtatampok ng kwento ng buhay ng mga kilalang personalidad.

Layon nitong magbigay inspirasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng life lessons mula sa mga matagumpay na indibidwal.

Ang National Customers’ Choice Awards ay nagbibigay pagkilala sa mga indibidwal, kumpanya, brands, services at produkto na nag-excel sa iba’t-ibang larangan.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,