WISHful ng Makati, wagi sa ikalawang cluster ng wildcard edition ng WISHcovery

by Radyo La Verdad | January 29, 2018 (Monday) | 2567

Mataas na fighting spirit ang baon ng apat na returning WISHfuls na sumalang sa wildcard edition ng Wishcovery noong Sabado.

Pinaghandaan ng pambato ng La Union Kristine Joy Peralta ang kanyang rendition ng OPM hit na “Kapag ako ay nagmahal”.

Sinubukan din muli ng singing hearthrob ng Quezon na si Vien King na muling makapasok sa kumpetisyon sa pamamagitan ng awiting “Paalam na”. Improved performance naman ang handog ng Bulacan’s pride na si Daniel Briones.

Ngunit ang nagwagi sa cluster na ito ang rising diva ng Makati, Princess Sevillena. Makakalaban ni Princess sa wildcard round si Jenimay Mabini na nagwagi sa first cluster noong nakaraang linggo.

Sa Sabado ay sasalang naman sa kumpetisyon ang ikatlong cluster ng WISHfuls na mapapanood pa rin sa Wish 107-5 youtube channel.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,