10 player, 2 coach ng Gilas, sinuspinde ng FIBA

by Radyo La Verdad | July 19, 2018 (Thursday) | 1299

Pinatawan ng suspensyon ng FIBA ang sampung player at dalawang coach ng Gilas Pilipinas dahil sa nangyaring rumble sa laro laban sa Australia nitong ika-2 ng Hulyo.

Kabilang sa mga sinuspinde sina Calvin Abueva, Roger Pogoy, Carl Bryan Cruz at Jio Jalalon.

Suspendido rin sa susunod na tatlong laro sa World Cup 2019 qualifiers si Assistant Coach Jong Uichico, habang sinuspinde naman ng isang game si Coach Chot Reyes na pinagmumulta rin ng 10,000 Swiss francs o mahigit kalahating milyong piso.

Pinatawan din ng multang nagkakahalaga ng 250,000 Swiss francs o mahigit 13 milyong piso ang Samahang Basketbol ng Pilipinas dahil sa nangyaring gulo.

Samantala, tatlong player naman ng Australian national ang sinuspinde rin ng FIBA at pinagmumulta ang basketball Australia ng 100,000 Swiss francs o mahigit 5 milyong piso.

Tinanggal na rin sa FIBA Elite Program ang tatlong referee na nangasiwa sa laro at pinagbabawalang mag-officiate sa anomang FIBA event sa loob ng isang taon.

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,