Biktima ng motorcycle accident sa Bulacan, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | March 8, 2016 (Tuesday) | 1861

TMBB-BULACAN
Isa motorcycle accident ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team sa kahabaan ng MC Arthur Hi-way sa barangay dakila Malolos Bulacan, alas onse Lunes ng gabi.

Ang biktima na si Daniel Navarete , 26 anyos ay may sugat sa ulo, kamay katawan at paa.

Binigyan ng pang unang lunas ng grupo si Navarete na dumaraing din ng hirap sa paghinga at nagtamo ng posibleng bali sa kaliwang kamay at saka sinugod sa Bulacan Medical Center.

Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, madilim sa lugar at walang nakalagay na warning device sa ginagawang kalsada kaya nabangga ni Navarete ang mga nakaharang na barrier.

(UNTV NEWS)

Tags: ,