2 sakay ng motorsiklo na na-aksidente sa Laguna, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 10, 2016 (Monday) | 1564

sherwin_tmbb
Magkatuwang na nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team at Biñan Emergency Rescue ang dalawang sugatan.

Matapos bumangga ang kanilang motorsiklo sa pampasaherong jeep sa national highway ng Barangay Platero, Biñan, Laguna Sabado ng madaling araw.

Nagtamo ng open wound fracture at posibleng bali rin sa kaliwang binti ang driver ng motorsiklo na si Robert De Guzman.

Habang mga gasgas naman sa kaliwang braso ang tinamo ng angkas nito na si Romero Amparo.

Ayon sa angkas ng motorsiklo bigla umanong huminto ang sinusundan nilang pampasaherong jeep kaya sila bumangga rito.

Ang Biñan Rescue na ang nagahatid sa ospital sa mga biktima matapos malapatan ng first aid ang dalawa.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , ,