2 sugatan sa pagbangga ng pedicab sa truck , tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | April 4, 2017 (Tuesday) | 281


Sugatan ang pedicab driver at sakay nito nang bumangga sa kasalubong na truck sa San Roque Pili, Camarines Sur alas onse y media kagabi.

Ayon sa mga nakasaksi, bago pa man ang aksidente ay nakita nanila ang pagewang-gewang na pedicab na bigla na lamang sumalpok sa truck.

Nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue ang pedicab driver na nagtamo ng sugat sa binti at noo.

At ang pasahero nito na kinilalang si Raymond Culio na nagtamo ng maliliit na sugat sa mga paa.
Kapwa isinugod ng grupo ang dalawa sa Bicol Medical Center.

Walang id o anumang pagkakakilanlan ang pedicab driver na hindi makausap ng maayos dahil sa sobrang kalasingan.

Inimbitahan naman ng Pili Camarines Sur PNP ang truck driver sa presinto para sa imbestigasyon.

(Allan Manansala)

Tags: , , ,

Leave a Reply