Lalaki na pinaghahampas ng dos por dos sa Quezon Province, tinulungan ng Untv News and Rescue team

by Radyo La Verdad | March 14, 2016 (Monday) | 1106

TMBB-QUEZON-PROVINCE
Iniinda ni Leonito Olat ang sakit at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang datnan ng UNTV News and Rescue Team sa barangay Siete sa Dalahican,Lucena City kagabi.

Ayon sa biktima, sinugod siya ng lasing na suspek na si Sammy Francisco at sinira ang kaniyang pwesto sa fishport sa Lucena City.

Pinaghahampas din umano sya ng dos por dos sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nagawa lamang nyang tumakas sa pamamagitan ng pagtalon sa dagat.

Nilapatan ng first aid si Mang Leonito at inihatid sa Quezon Medical Center Lucena City.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek na nahaharap sa reklamong attempted murder with physical injury.

(Japhet Cablaida/UNTV News)

Tags: