Motorcyle accident sa Quezon City kagabi, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | April 29, 2016 (Friday) | 1901

REYNANTE_TMBB
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang motorcycle accident sa Quezon City pasado alas onse kagabi.

Nadatnan pa ng grupo ang biktima na nakaupo sa gilid ng mga plastic barrier sa northbound ng EDSA sa bahagi ng kaingin road sa Brgy.Apolonio Samson.

Ayon sa MMDA traffic constable bumangga ang minamanehong motor ng biktima sa mga plastic barrier at saka ito tumilapon.

Isang rescue volunteer na dumadaan sa lugar ang unang nakakita sa biktima at tumingi sa kalagayan nito.

Nagtamo ito ng gasgas at mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Jeric Carl Chavez, 24 anyos.

Pagkatapos malapatan ng pang unang lunas ay isinugod na si Jeric sa MCU hospital.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,