24 kilos ng shabu, nakumpiska ng mga tauhan ng Northern Police District sa Sta. Ana, Manila

by Radyo La Verdad | June 13, 2018 (Wednesday) | 1643

Huli sa follow-up operation ng mga tauhan ng Northern Police District ang mag-inang suspek sa Pasig Line Sta. Ana, Manila kagabi. Nakilala ang mag-ina na sina Ian Akira Calabio, 26 taong gulang at si Ruby Calabio, 61 taong gulang.

Ayon kay NPD Director PCSupt. Clifton Empiso, nakuha sa mga suspek ang 1 luggage bag kung saan nakalagay ang 24 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng 163 milyong piso at 30 libong boodle.

Sinabi naman ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde, base sa tea wrapper na nilagyan ng shabu ay posibleng galing sa ibang bansa. Sa follow up operations aniya bumili ang mga pulis ng shabu sa bahay ng mga suspek.

Ayon kay NCRPO Director PCSupt. Guillermo Eleazar, ang mga suspek ay kinasuhan na ng patong patong na kaso.

Kaugnay nito, paiigtingin pa ng PNP ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga dahil sa patuloy na operasyon ng mga sindikato.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,