Andy Murray, panalo vs Radek Stepanek sa 2nd round ng Madrid open

by Radyo La Verdad | May 5, 2016 (Thursday) | 6472

MURRAY
Naungusan ni Andy Murray ng Great Britain si Czech Radek Stepanek sa pamamagitan ng tatlong sets sa second round ng Madrid open.

Hindi maganda ang panimulang laro ni Murray, natalo to sa kanyang unang service game at napanalunan ang set sa pamamagitan ng tie breaker.

Nakuha ng word number 34 na si Stepanek ang second set ngunit nakuha ni Murray ang kanyang rhytm sa final set upang magwagi sa laban 7-6, 3-6,6-1.

Ang susunod na assignment ni Murray ay maaring si Pablo Carreno Busta o Jil Simon sa third round.

(UNTV NEWS)

Tags: