Andy Murray, nakuha ang ikalawang Wimbledon title

by Radyo La Verdad | July 11, 2016 (Monday) | 5992
Andy Murray(REUTERS)

Andy Murray(REUTERS)

Tinanghal na kampeon si Andy Murray sa Wimbledon matapos na talunin si Canadian Milos Raonic 6-4 7-6 7-6.

Ito ang ikalawang Wimbledon title ni Murray na unang nakuha ang titulo sa Wimbledon noong 2013.

Noong 2014, pumasok sa kampeonato si Murray pero tinalo ni Grigor Mimitrov ng Bulgaria sa championship.

Sandail ring nakipag-usap si Murray matapos ang kampeonato sa Duke at Duchess ng Cambridge na sina Prince William at Kate Middleton na nanood ng championship match.

Tags: ,