Andy Murray, hindi makakapaglaro sa Davis Cup

by Radyo La Verdad | July 15, 2016 (Friday) | 5976

andy-murray
Ipinahayag ni Wilbledon Champion Andy Murray na hindi siya maglalaro sa koponan ng Britain sa Davis Cup quarterfinals kontra sa Serbia.

Ngunit sinabi ni Murray na magtutungo siya sa Belgrade upang suportahan ng team Britain.

Tinalo ni Murray si Canadian Powerhouse Milos Raonic nito lamang nakalipas na lingo upang masungkit ang ikalawa niyang Wilbledon title.

Pinangunahan ni Murray ang Britain upang makamit ang first Davis Cup victory sa loob ng pitumput’ siyam na taon noong Nobyembre.

(UNTV RADIO)

Tags: ,