3 biktima ng hit and run, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team at DPOS Rescue

by Radyo La Verdad | September 27, 2016 (Tuesday) | 1230

reynante_tmbb
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang vehicular accident sa kahabaan ng Commonwealth Avenue Quezon City pasado alas onse kagabi.

Tinulungan ng grupo katuwang ang Quezon City Department Public Order and Safety Rescue ang tatlong biktima na nagtamo ng sugat sa ulo at iba’t iba pang bahagi ng katawan.

Ayon sa mga nakakita, sakay ang mga ito ng tricycle at mag-uuturn sana patungong east bound lane sa brgy. Holy spirit nang mabangga ng isang sports utility vehicle.

Sa lakas ng pagkakabangga sa likuran ng tricycle ay naiwan ang bumper at plaka ng sasakyan na RGT 555 na mabilis umanong tumakbo.

Matapos lapatan ng pangunang lunas ay dinala na sa East Avenue Medical Center ang mga biktima habang iniimbestigahan ng traffic sector ang pangyayari lalo pa’t bawal dumaan ang mga tricycle sa Commonwealth Avenue.

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

Tags: , ,