3 lalaking sugatan sa aksidente sa Cagayan de Oro City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | March 2, 2018 (Friday) | 8826

Sugatan ang mag-ama na sakay ng isang pedikab matapos mabangga ng isang motorsiklo sa Lapasan corner, Pimentel st., Cagayan de Oro City, pasado alas dose kahapon ng madaling araw.

Ayon sa mga biktima, papauwi na sana sila ng biglang mabundol ng motor sa likuran.

Agad nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue ang mga tinamong sugat sa ulo, kamay at paa nina Ramon at Ronnie Nacaya. Tumanggi namang magpahatid sa ospital ang mag-ama.

Samantala, nilapatan din ng first aid ng UNTV Rescue ang mga tinamong sugat ng motorcycle rider na si Alfie Limbag. Tumanggi rin si Limbag na magpadala sa ospital.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Tags: , ,