3 NPA, nagbalik loob sa pamahalaan

by Erika Endraca | November 2, 2020 (Monday) | 800

Nagbalik loob sa pamahalaan ang 3 miyembro ng New Peoples Army (NPA) na kinabibilangan ng isang menor de edad na pingalanang Paul kasama ang ama nito na si Digma/Jin at si Chris na supply officer ng mga rebeldeng grupo bitbit ang kani-kanilang mga armas sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Ayon sa pahayag ng mga dating rebelde, ilang beses na nilang tumangkang tumakas sa mga kasamahan nilang rebelde subalit naabutan sila at nahuhuli.

Samantala, sa pahayag naman ni Chris, kasama niya sa pagtakas ang isa ring rebelde na nagngangalang Joy subalit sa pagtakas nila’y nahulog ito sa bangin dahilan upang maabutan siya ng mga kasama nilang rebelde.

Kasalukuyan namang nasa pangangalaga ng 95th Infantry Salaknib Battalion sa San Mariano ,Isabela ang mga dating rebelde na bumalikwas sa maling ideolohiya at nagbalik loob sa pamahalaan.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: