32 barangay sa Mandaluyong, San Juan, Pasig at QC, makakaranas ng water service interruption bukas hanggang sa Biyernes

by Radyo La Verdad | November 7, 2018 (Wednesday) | 254

Tatlumpu’t dalawang barangay sa Mandaluyong, San Juan, Pasig at Quezon City ang makakaranas ng walong oras na water service interruption.

Batay sa abiso na Manila Water, magsisimulang mawalan ng suplay o hihina ang suplay ng tubig ng mga apektadong barangay ng alas diyes ng gabi bukas hanggang alas sais ng umaga sa Biyernes.

Ang water interruption ay bunga ng isasagawa emergency leak repair sa bahagi ng C. Benitez St. Corner Mariposa St., Barangay Horeshoe, Quezon City.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga maapektuhang lugar na mag-imbak ng tubig.

Tags: , ,