Mga negosyo na nakadepende sa suplay ng tubig, kanya-kanyang diskarte sa gitna ng water service interruptions

by Erika Endraca | October 25, 2019 (Friday) | 3167

METRO MANILA, Philippines – Kanya kanyang diskarte ngayon ang mga negosyo na nakadepende sa suplay ng tubig sa gitna ng muling pagpapatupad ng rotational water service interruption ng Maynilad at Manila Water.

Pero paalala ng National Water Resources Board (NWRB) na magipon lamang ng tubig na sasapat sa mga oras na walang suplay. Ito’y upang maiwasan ang mas mabilis na pagkaubos ng iniimbak na tubig ng Maynilad at Manila Water na maaring magresulta sa mas mahabang oras ng water service interruptions.

Batay sa abiso ng Maynilad nasa 8 hanggang 18 oras na mawawalan ng tulo sa gripo ang kanilang mga customer, habang 4 hanggang 8 oras naman ang sa Manila Water.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: , ,