4 na miyembro ng NPA sa Bukidnon, sumuko

by Radyo La Verdad | August 9, 2018 (Thursday) | 548

Apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa 8th Infantry Batallion sa Bukidnon.

Kinilala ang mga sumukong rebelde na sina alyas Dalasigon, alyas Lawin, alyas Bag-as at alyas Jampee na mga dating miyembro ng Guerilla Front 4-B.

Kasamang isinuko ng mga ito ang kanilang baril.

Ayon naman sa 4th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Cagayan de Oro City, marami pang miyembro ng NPA ang naghihintay ng tamang panahon para sumuko matapos madismaya dahil sa mga napakong pangako ng rebeldeng grupo.

Tags: , ,