4 na Pinoy nurse na dinukot umano ng ISIS, hindi totoo – DFA

by monaliza | March 17, 2015 (Tuesday) | 581

CHARLESJOSE

Pinasinungalingan ng Department of Foreign Affairs ang balita na may apat na Pilipinong nurse na dinukot sa Sirte Libya.

Ayon kay DFA spokesperson Charles Jose, ligtas ang mga nars na napaulat na kinidnap batay sa report na isinumite ng Embahada ng Pilipinas sa Tripoli.

Aniya, mismong ang charge d’affaires ng embahada ang nagtiyak ng kanilang kaligtasan at nakausap pa aniya nito ang isa sa mga Pinoy nurse na napaulat na binihag.

Kaibigan ng mga naturang Pinoy nurse ang nagpadala ng impormasyon sa embahada.

Una nang lumabas sa ilang report na kabilang ang ilang Pinoy sa 20 medical personnel na dinukot ng mga ISIS militant.

Tags: , , ,