4 nasugatan sa banggaan ng motorsiklo, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | August 22, 2016 (Monday) | 1227

TMBB
Sugatan ang apat na lalaki matapos magkabanggaan ang mga sinasakyang motorsoklo sa Mac Arthur Highway pasado alas noong byernes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Ferdinand Rafael at Elizer Vitor habang ang kabanggan naman ng mga ito ay Mark Anthony Alonzo at Jerome Squeza.

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga tinamong gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng mga biktim.a

Ayon kay Vitor, angkas ng motorsiklo, hindi nila napansin ang isa pang motorsiklo nang mag-over take sila sa isang kotse.

Nagkasundo naman ang mga ito na babayaran na lamang nina Rafael at Vitor ang pinsala sa motorsiklo ni Alonzo.

Samantala, matapos mabigyan ng first aid ay tumanggi nang magpahatid sa ospital ng mga biktima.

(Nestor Torres/UNTV Radio

Tags: