5 arestado, matapos maaktuhan ng pulis na nagpo-pot session sa Valenzuela City

by Radyo La Verdad | July 6, 2016 (Wednesday) | 1230

POTSESSION
Agad na hinuli ng pulis ang limang tao matapos maaktuhang nagpo-pot session sa Malinta, Valenzuela City pasado ala una ng madaling araw kanina.

Ayon sa otoridad, rumesponde sila sa lugar dahil sa reklamo tungkol sa nawawalang susi ng motorsiklo at hindi nila akalain na maaktuhan ang mga suspek sa paggamit ng shabu sa lugar.

Si Dewey Gabayao limang taon na umano syang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Si Ronina Galicia naman napipilitan lang daw syang magshabu kung minsan dahil alisto at hindi anya sya inaantok kapag nakakagamit.

Aminado ang mga suspek na gumagamit sila ng ipinagbabawal na gamot ngunit itinangging nagbebenta nito.

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,