6.4% na economic growth sa Pilipinas, naitala sa 1st quarter ng 2023 – PSA

by Radyo La Verdad | May 12, 2023 (Friday) | 3550

METRO MANILA – Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nakapagtala ang Pilipinas ng 6.4% economic growith o paglago ng ekonomiya sa unang 3 buwan ng 2023.

Gayunman, mas mababa pa rin ito sa 8.3% na Gross Domestic Product (GDP) growth sa kaparehong panahon noong 2022.

Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, main contributors sa paglagong ito ay ang wholesale/retail trade at motor vehicles and motorcycles repairs.

Nakapag ambag din sa economic growth ang financial and insurance activities at “other services”.

Tags: ,