Abu Sayyaf sub leader Amah Ullah, nahuli ng militar sa Sulu

by Erika Endraca | November 13, 2020 (Friday) | 386

Duguan ng mahuli ang notorious Abu Sayyaf Group (ASG) sub leader sa isinagawang hot pursuit operation ng tropa ng militar sa sitio Tubig Kawas Patikul, Sulu kahapon (Nov. 12), kinilala ito na si Amah Ullah

Ayon sa WestMinCom, iniwan si Ullah ng mga kasamahan nito matapos ang nangyaring engkwentro kontra 17th at 6th special forces battalion noong Nobyembre 3.

At sinabi pa nitong patayin na lamang siya, nang mahuli ng mga sundalo. Sa ngayon nasa military hopsital na si Ullah at patuloy na ginagamot.

(MJ Fiel | La Verdad Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: