Babaeng nasugatan dahil sa aksidente sa motorsiklo, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | March 1, 2018 (Thursday) | 8823

Hirap na igalaw ni Diamond Guro ang kaniyang kanang paa ng madatnan ng UNTV News and Rescue Team sa plaza ng Biñan sa Laguna, pasado alas onse kagabi.

Ayon kay Guro, nadaganan ng natumbang motorsiklo ang kaniyang paa habang nakaupo siya sa harapan ng kaniyang tindahan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, isang trycycle na minamaneho nang menor de edad ang bumangga sa motorsiklo na tumama sa biktima.

Nagtamo ng sugat sa paa ang biktima na agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng grupo.

Pinatawag ng mga city marshall ang magulang ng batang driver para ipakausap sa biktima.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

Tags: , ,